THOUGHT OF YOU | Ryan Woodward
The video, concept and message are just exceptional.
| Pinky: | Ano yan?! |
| Me: | Tumblr |
| Pinky: | Ano yan parang facebook? |
| Me: | Blog |
| Pinky: | Sus pang high school! |
| Sa pag kakaalam ko, ang TUMBLR ay para sa lahat. Walang pinipili na edad o antas, o kung sino mang tao na pwede mag blog dito. Ang TUMBLR ay bukas sa lahat ng mahilig sumulat at magbasa. | |
| Yun lang, para kasi akong nasaktan dun sa narinig ko, dahil hilig ko kasi ang pagbabasa dahil marami akong napupulot na aral. Mga simpleng blog na minsan makikita mo ang sarili mo sa binabasa mo. |
My Kind of Perfect | DAVID ARCHULETA
Isang pagbabalik sa nakaraan, ang pagbabalik tanaw sa piling ni ama. Anong saya ang aking nararamdaman sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang masasaya at makahulugang buhay kapiling ang aking ama.
Siya si Tatay, istrikto, may prinsipyo, tahimik, masungit. Ilan yan sa mga katangian niya na masasabing naghubog sa amin magkakapatid. May mga oras na ang pagiging istrikto niya ay nakakasakit, subalit isang pag papaalala na hindi lahat ng bagay ay nakukuha sa madalian. Bagay na nagturo sa amin na magsikap upang matamo ang kagustuhan o ang ninanais. Natuto kami tumayo sa sarili namin paa, at asahan kundi ang sarili.
Sa kabila nang pagiging mahigpit, hindi maikakaila ang tunay na pagmamahal sa kanyang mga anak. Naramdaman namin ang kanyang suporta sa bawat hakbang ng aming pangarap.
Hindi siya perpekto tulad nang iba, libangan na nya ang pag-inom at paninigarilyo. Ito ang bagay na nagiging sanhi minsan nang kanilang pagtatalo ng nanay. Naalala ko sa tuwing nakainom siya nung bata pa ako, tatawagin niya ako. Sabi niya, ” vie halika nga dito, kantahan mo ako.” Ako naman ay lalapit at uumpisahan ang pagkanta, tuwang tuwa siya kapag naririnig niya ang aking tinig, kahit na masakit sa tenga ang aking boses. Minsan pa nga, gusto niya basahin ko daw yung kuwento sa aking aklat. Kapangalan kasi niya ang pangunahing tauhan sa kuwento. Masayang masaya siya habang nakikinig sa aking kuwento, at hangang sa tuluyan na siyang makatulog. Ganun lang si tatay kahit palagi siya umiinom, sabi nga ni nanay ako daw ang gamot. Ako lagi inuutusan ni nanay upang tawagin si tatay sa labas, kasama ang mga kaibigan sa inuman, dahil kapag ako ang sumundo doon, siguradong uuwi na siya. Palagi siyang may pasalubong sa amin nang ate noon na laruan sa tuwing darating siya mula sa trabaho, naging construction worker din kasi siya sa Divisoria. Hilig din niya ang pagluluto, kaya nga tuwing haharap kami sa lamesa, siguradong mabubusog ka.
Napalo na rin niya ako, nang minsan sumama ako sa kaibigan ko na pumunta nang kanto. Bawal kasi kami lumayo sa tapat ng bahay namin, nang hinanap niya ako sa labas at hindi nakita. Nagalit siya, pagdating ko nang bahay, pinalo niya ako at naranasan ko lumuhod sa asin sa harap ng refrigerator na nakadipa ang mga kamay. Masakit, kaya mula noon hindi na ako umaalis nang walang paalam, natuto akong sumunod sa bilin ng tatay.
Pinapasyal din kami ni tatay dati, manonod ng sine at pupunta sa park. Ang huling napuntahan namin yung Fort Santiago sa Intramuros, ang saya saya nun. Pero sa lahat ng kasiyahan, dumating ang isang bagay na magpapabago sa buhay namin lahat. Binawi na siya ni Bro, labing dalawang taon gulang ako noon, graduating na nang elementary, pangako nga niya sa akin na siya ang pupunta sa graduation. Kaya lang hindi na niya natupad yun nang mangyari ang aksidente. Hindi ko pa man masyado maintindihan noon kung bakit ganun ang nangyari, akala ko hindi ganun kalaki ang epekto sa amin. Napaka hirap pala ang mabuhay na walang ama. Sa tuwing makakakita ako nang isang ama at anak na magkasama, inggit na inggit ako, sabi ko sa sarili ko, sana buhay pa ang tatay. Masakit kasi alam mo na hindi kailanman siya babalik.
Hindi man nagtagal ang pagsasama, ang kanyang ngiti at pagmamahal ay mananatili sa isip at puso namin. Siya ang naging inspirasyon namin upang ipagpatuloy ang buhay. Utang ko sa kanya kung ano man ako ngayon, hinubog ako nang kanyang pangaral, pagmamahal at pangarap. Sigurado ako, kung nabubuhay siya ngayon, ipagmamalaki niya kami, dahil nagtagumpay siya sa misyon na dito sa mundo, ang maging isang mabuting ama. Ama na walang hinangad kundi ang ikabubuti nang kanyang mga anak.
He was the anchor of my dreams,
He warmed my heart like sunlight beams,
He eased my sorrows with words soft and mild,
He was a true friend to a wandering child.
In times of distress he comforted me,
He wiped my tears, he took away my misery,
To me he was a shining knight,
A source of strength through a lonely night.
After twelve years of laughter he was taken away,
I cried, I pined for him many a day,
Now as I tread this path without him by my side,
His love and blessing will always be my guide.
So, dear dad, I need you to
help me live this life full of worth and value,
and I hope when I meet you in heaven above,
we’ll be together, forever, in a haven of love.
* HAPPY FATHER’S DAY to my dearest TATAY! Thank you for the unconditional love. I know your in HE’s hand now, living peacefully. I miss you tatay! I love you so much..
Kolboy: Ang Bagong Pambansang Bayani
Hindi naman siguro kaila sa atin na sandamakmak ang mga call centers ngayon. At mas lalong hindi kaila sa atin na iyong mga ibang mga nagsipagtapos - kahit gaano kalayo sa kurso - ay nagtatrabaho sa mga call centers.
Mga nagpupuyat, nakababad sa harap ng computer, tinitiis ang pagod at hirap at ang pambabalahura ng ilang mga foreigner, gamit ang fake American accent, makapagtrabaho at mabuhay lamang.
Mga makabagong bayani sa modernong mundo ng globalisasyon ika nga.
Pero hindi din naman kaila sa atin ang mga problema na kinahaharap ng ating mga makabagong bayani. Pagkakasakit. Security of tenure. At kung totoong meron ba talagang career dito - o isa lamang panandaliang survival habang naghihiintay ng ibang oportunidad.
Sa tingin ninyo, kung ngayon nabuhay si Jose Rizal, kolboy din kaya siya? Hindi ako sigurado. Nanggaling siya sa may kayang pamilya at hindi na niya siguro kailangang magtrabaho. Siguro, may mga tauhan siya sa nobela na mga call center agents. Pero nakasisiguro akong ipaglalaban niya ang karapatan ng mga kolboy at mga kolgirl nating mga kababayan.
Mabuhay ang mga makabagong bayani!
Mabuhay at maligayang kaarawan Gat Jose Rizal!
Photo taken from a local clothing line which I forgot the name. Please message me if you know the name for me to give proper credits. Thank you.
do what makes you HAPPY! be with who makes you SMILE.. LAUGH as much as you BREATH & LOVE as long as you LIVE!
It feels so good when you know that there are people around you who believes and trusted you. And those people help me to motivate myself to do things with confidence, no hesitations, just the faith and enthusiasm to do make things possible.
I feel so blessed this past week.. HE is so good to me! He knows when and what to give to a person in the right time. I didn’t expect it, things coming unexpectedly and surprisingly. Even though HE didn’t give what i really want, he still give me the best. I know he wanted to teach me on how to accept and love the things i hate. After receiving the blessings from HIM, i feel so blessed and very thankful. I didn’t ask why he doesn’t give me what i wanted to have, because i know HE has a better plan for me. And this is the only thing i can promise to HIM, to love and value what HE gave to me.
Answer:
organ keyboard - my favorite! eventhough i really don’t know how to play well. hahaha! pinangarap ko magkaroon niyan during my college days, nakapanood kasi ako ng tumutugtog nyan, and so amazed! actually it’s my nephew.. matagal na sa akin yun organ, but up to now, matigas pa rin ang daliri ko! hehheh.. pero there’s one song na i can say, i can play well. th “my one and only” song..
#tumblrbot quest